Ipinanganak ako noong May 16, 1965, at tinanggap ko si Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ng buhay ko noong October 4, 1985. At ako'y nainvolved agad sa ministry nang Siya ay tanggapin ko. Ako'y nagsimula bilang gitarista, Bible Study leader, Sunday Sch Teacher, choir member, evangelism at pag pafollow-up,etc. Noong 1988, nagfulltime ako (living by faith,walang inaasahang suweldo) at kinilalang Pastor ng Born-Again Trinitarian Soul-Winning Ministry. Ang Panginoon ay nagsabi sakin na iwan ko ang church na sinasamahan ko, sa kabila ng pangakong promotion ng aming Head. October 15, 1989 nang itayo ko ang Kingdom of Jesus Fellowship Int'l, na may mandate na tulutan malaman ng tao ang nais nang Diyos para sa kanila, at tulungan silang maabot ang kanilang mataas na pagakakatawag at ang kanilang destinasyon sa Panginoong Jesu-Cristo.
Ang bawat isa sa atin ay dapat na maligtas, at mapalaya sa mga bisyo at kasalanan, sakit at karamdaman at kahirapan. Ngunit ang bawat isa sa atin ay may specific na gagampanano katawagan na galing sa Diyos na kailangan natin i-fulfill. at sa kadahilanan ding ito kaya ako'y itinayo ng Diyos at ang KOJF sa huling kapanahunan ito ay upang tulungan tayong ganapin ang ating patutunguhan kay Cristo.
Maraming kristiyano at mga leaders na kinikilala nila ako as their Spiritual Father. Marami ang naligtas, nakatanggap ng kagalingan sa mga sakit at karamdaman, at natrained at ngayon ay pinu-fulfill ang kanilang destiny in Christ through me. June 19, 1993 nang unang ibroadcast sa Radio ang programang "Ito ang sabi ng Panginoon" (Thus Saith the Lord). Itinayo ako ng Diyos para maghatid ng mensahe Niya sa huling kapanahunan ito. Ang aking mga predictions at prophecies ay nangyayari. Tulad na lamang ng iprophesy ko na magiging Presidente ng Pilipinas sina Joseph Estrada at Gloria Arroyo, at ito'y nangyari.
Noong 1993 nang pasimulang kong i condict ang Holy Spirit Revival Fire Conference entitled "Philippines, You have a destiny in Jesus Christ" , at ito'y naging "Philippines, Asia and the Whole World have a Destiny in Jesus Christ". Marami ang nakatunghay sa malakas na prophetic at apostolic na anointing sa buhay ko at sa ministry. Ang mga tao ay nag-iiyakan at natutumba sa kapangyarihan ng Diyos, at hindi nila makayanan ang matinding anointing ng Panginoon. Nagpunta ako sa iba't-ibang panig ng Pilipinas with healing and miracle services at Holy Spirit Revival Fire Conference.
Nanahimik ako sumandali upang bigyan daan ang ibang mga christian leaders for the sake of peace. Marami ang namisenterpret ako, sabi nila n akesyo gusto ko lang daw na makilala, magkapangalan at hadlang sa kanilang mga pangarap.Ngunit marami na rin sa kanila ang wala na sa " limelights". Nangako ang Diyos na magkakaroon ako ng sariling Radio Station, T.V. ministry, at Worldwide ministry. At sinabi din ng Diyos na ang mensahe ko ay maiasasalin sa iba't-ibang dialekto at wika.
Nagpapasalamat ako sa Diyos, sa mga taong handang tumulong sakin, sumporta at magpray and fast para sa kin at sa aking pamilya, sa ministeryo sa kahit anu pa mang paraan.
Ang Panginoon ay hindi kailanman kayo lilimutin at pagpapalain kayo ng masagana higit pa sa inyong inaasahan o inaasam. Dahil ang katotohanan ang ministry ko ay born from the heart of God at mandated by God at tutlungan ang Pilipinas at ang iba't-ibang mundo na maligtas, mapagpala at i-fulfill ang kanilang Destiny in Christ.