Wednesday, July 23, 2008

Birthday Celebration






Noong ika-18 ng Mayo , 2008 ay matagumpay na naidaos ang selebrasyon ng kaarawan ng Lingkod ng Diyos na si Apostol Ricardo D. Carillo. Ang tunay na araw ng kaarawan ng lingkod ng Diyos ay May0 16 ngunit dahil sabay itong ipinagdiwang sa kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Joseph na ang kaarawan ay Mayo 23 , ito ay ginanap ng Linggo sa Seminar Hall ng Quezon Memorial Circle. Narito ang ilang mga pagbati at patotoo mula sa mga kapatiran...


"Masasabi ko lang sa lingkod ng Diyos... Siya ang nagbigay sa amin ng lakas ng loob at ng pagbabago sa aming buhay. Ginamit siya ng Panginoon , dahil dating magulo, maraming bisyo at walang direksyon ang aming buhay. Ginamit siya ng Panginoon para maging maayos ang aming buhay. Naalala ko noon, noong may sakit ang aming anak siya po ay nag 50/50 at dinala po namin siya sa ospital. Di po namin alam na ang lingkod ng Diyos ay dumalaw upang ipag-pray siya. Doon ko nalaman na kapag tupa ng lingkod ng Diyos , andoon talaga ang alaga at pagmamahal. Kaya ang masasabi ko lang , mahal namin siya , at sana patuloy na pagpalain at patapangin ng Panginoon sa pagpapahayag , pagpapalaganap ng salita ng Diyos, at marami pang madala sa panginoon". - Brother Roger De guzman


"Sa lahat ng Lingkod ng Diyos na nakilala ko, si Ptr. Ricky ang pinakamabait. Sa bawat mensahe niya , nararamdaman natin ang haplos ng pagmamahal. Dito ko naranasan sa Kingdom of Jesus ang buhay bilang isang tunay na Kristiyano. Kaya , Apostle , Happy Birthday po, at narito lamang po kami upang sumuporta po sa inyo. Mahal na mahal po namin kayo..." - Sister Cristy De guzman


" 'Wag na tayong aalis sa KOJF, at tunay nga na ang prophecy ng lingkod ng Diyos na unlimited blessing ay nararanasan po ng Cabiao , Nueva Ecija at Pampanga. Ang lingkod ng Diyos ay tunay nga niyang sinasamahan. Ang lingkod ng Diyos kaylan man ay di ko nakitang nanghina, bagamat marami siyang problema pero di mo siya kakikitaan ng panghihina.Kaya nabi bless po ako sa buhay niya. Nag eencourage din siya ng maraming Kristiyano kaya po bagama't mabigat ang preaching , ito naman ang maghahatid sa atin sa pagpapala at promotion at buhay na walang hanggan. Ang lingkod ng Diyos ay hindi ko pa po nakakakuwentuhan na ang pinag-uusapan ay kung paano ba tayo yayaman o anupaman.
Ang pinagkukwentuhan namin ay puro pagliligatas ng kaluluwa, at palagi niyang kinakamusta ang kalagayan ng mga tupa. Talaga pong siya ay lingkod ng Diyos dahil ang kanyang 1st priority ay ang pagliligtas ng kaluluwa at ng buong daigdig. I pray na gamitin pa po kayo ng Panginoon mightly and effectively. At nawa , mga kapatid , patuloy nating suportahan ang mandate ng Kingdom opf Jesus Fellowship." - Ptr. Michael Sagum


"Ipinagpapasalamat ko po sa Diyos ang buhay ng lingkod ng Diyos. Nang ako po ay ini-release ng dati kong church ay hinanap ko po ang kalooban ng Panginoon. Ang heart ko po kasi noong una ay gusto ko pong maging totoo at mapunta sa totoo. At napakinggan ko nga po ang ang programang "Ito ang sabi ng Panginoon" sa pamamagitan ng radio. At nakilala ko nga din po ang lingkod ng Diyos. Mula po noon ay naranasan ko po at ng aking pamilya ang blessings ng Panginoon. Una po , nakabalik sa Panginoon ang aking pamilya. Nagamit at ginagamit po ako ngayon sa ministry. Dumaloy po ang blessing sa pamilya ko sapagkat ang isa kong kapatid na lalaki ay nasa Malaysia na po, at ang isa pa po ay malapit ng umalis dahil naaprubahan na papuntang Canada. At yun din pong matagal na naming hinihintay na pera ay irerelease na rin po. Ang lingkod ng Diyos ay lubos na sumuporta sa pamilya ko, sa mga pagpapayo at paggabay. Salamat sa Panginoon sa kanyang buhay." -Ptra. Vangie Sagum


"Maraming salamat po sa mga pag gabay nyo po sa aming mga kabataan. Sa mga payong ibinibigay nyo po po sa amin. Maraming salamat po. kami po ay patuloy na susunod at magfufulfill ng aming mataas na katawagan sa Panginoong Hesu-Kristo. Bumabati po kami ng maligayang kaarawan sa pinakamamahal naming Ama, na si Apostle Ricardo Carillo, Happy Birthday po". -Youth of KOJF main

Friday, July 18, 2008

A Tribute to my Mother (English)


Last April 23, 2008 (Wednesday), my beloved mother passed away. She was laid to rest last April 28, 2008(monday). She went peacefully, as if she was just having a deep sleep.

Corazon Vacunawa Diaz is her real name but she was dearly called "Nanay Cora" by those who know her. She was about 78-82 yrs.old when she passed away. We were not sure of her exact age and so we only based it on the age of her "siblings". She is the eldest among 10 siblings composed of 5 brothers and 5 sisters.
We desired for her to stay a little longer because, admittedly, we wanted to be with her. But, it must be that it is God's will for her to go. During Enoch's time , people lived up to 900 yrs. (Gen 5.24-27), but Enoch lived only up to 365 yrs. He lived his life walking with God and God was pleased with it. God took him to be with him forever.

My mother was a "woman of God". From her came 3 offspring that became "men of God". She gave birth into this world - 5 children - 1 girl and 4 boys. The youngest (Cory) and the second to the eldest who was the Junior(Federico) of my father, both died when they were just infants. We were also young when our father died in 1964 at a very tender age of 32 yrs.old. He died in a car accident.

My mother read the Bible everyday. She also prayed everyday. It is an understatement to say that truly she was a "woman of the Bible and of Prayer". Even when she was still an unbeliever , she was already religious and prayerful. The only thing was that, her prayers were directed to the wrong gods. She recited her rosary everyday without fail, even did it inside passenger jeepneys. She had a collection of images or "rebultos" and whenever there were news of so called- false miracles such as "crying Mama Mary" or "dancing Sto. Niño", we would run there. She also regularly visited "albularyos" and "mangtatawas" (quack/witch doctors). But despite her being religious, she was also full of vices. She drank alcohol. She smoked. She spoke bad words and she gambled.

When I accepted the Lord Jesus Christ as my Lord and Savior in October 4, 1985, I immediately shared my new found salvation to my mother. She didn't hesitate and also decided to accept Jesus as her personal Lord and Savior. Her life was changed. The vices and wrongdoings were gone. She began to worship and serve the only True God in spirit and in truth(John 4.24). The One True God who is the Father, the Son and the Holy Spirit. It was from this point that everyday, she read the Bible and prayed to the One and Only True God. My mother was also a soulwinner. She led many souls to Christ. She was also used by God to heal the sick. Many were healed thru her prayer. The gift of healing manifested in her life.

When God called all of us, her sons, into full time ministry, our mother did not hinder us. Instead, she was full of joy seeing us, serve the Lord. She became our "great intercessor". She did not stop praying for us, for our families and relatives, for the churches, leaders and the flocks that the Lord has entrusted to us. She also did not stop praying for all the people who were in need of salvation and help from God.

We, and the countless lives that she has touched, will surely miss her. We lost a great intercessor and encourager. But, definitely, she is now in a better place. She is with the Lord. God has chosen to take my mother into His presence in heaven because God was pleased with her ; because she walked with God. She might not be here now, but her memories will remain with us forever, even those whose lives she has touched and blessed. Surely, she will not be disappointed with her dreams for us. We will serve God all the more. We will fulfill our God-given calling and responsibilities all the more and we will bring souls to Jesus' feet all the more. We might have lost our great intercessor here on earth, but we still have the "Greatest Intercessor and Encourager of all time", no other than our Lord Jesus Christ. He is the source of our eternal life (1 John 5.13). The one who has chosen us to become true Servants of God. The one who gave us the Great Privilege to serve Him and do His will. The "good work" that God has started in our lives.., He is able to fulfill it to the end(Phil.1:6). He will fulfill all His promises to us, more than we ever think of or expect.

To God be - all the Thanksgiving , Praise and Honor ...

forever and ever...

In Jesus name , Amen!

Ephesians 3.20
"Now to Him, who is able to do immeasureably morethan all we ask or imagine, according to his power that is at work within us.

1 Corinthians 2.9
..."No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love him".

Sunday, July 13, 2008

A Tribute to my Mother (Tagalog)






Noong April 23,2008 (Miyerkules) ay pumanaw ang aking ina. Inilibing siya noong April 28,2008(Lunes). Payapa naman ang kanyang pag-alis at parang natutulog lang.

Corazon Vacunawa Diaz ang tunay niyang pangalan at Nanay Cora kung siya ay tawagin. Nasa 78-82 yrs.old nang siya ay pumanaw. Hindi namin alam ng lubos kung ano ang edad niya. Ibinase na lamang namin sa edad ng mga kapatid niya. Si nanay ang panganay sa 10 magkakapatid, 5 lalaki at 5 babae.

Hinangad namin na humaba pa ang kanyang buhay at makasama pa namin siya ng matagal, ngunit hanggang doon na lang ang itinakda ng Diyos para sa kanya. Noong kapanahunan ni Enoch ang tao ay nabubuhay ng higit sa 900 taon (Gen.5.24-27). Ngunit si Enoch ay nabuhay lamang ng 365 taon. Kinuha na siya ng Diyos dahil nabuhay siyang Kasama ang Diyos. Ang buhay niya ay kinalugdan ng Diyos, kaya't hinangad ng Diyos na makasama na niya si Enoch sa langit magpakailan pa man.

Ang aking ina ay "babae ng Diyos". Nagmula sa kanya ang 3 Lingkod ng Diyos. Nagsilang siya ng 5 anak - 1 babae at 4 na lalaki. Ang bunsong babae (Cory) at ang Jr.(Federico) ng aking ama na pangalawa sa panganay ay namatay nang sila ay mga sanggol pa lamang. Maliliit pa rin kami ng mamatay ang aming ama noong 1964 sa edad na 32 taon , nang mabangga ang aming sasakyan.
Nagbabasa ng Bible at nananalangin ang nanay ko araw-araw. Truly, she was a Woman of the Bible and of Prayer. Mapanalanginin din siya kahit noong hindi pa siya born-again, danga't nga lamang ay sa maling diyos. Araw-araw siyang nagrorosaryo at hindi niya ito nakakaligtaan maging sa loob ng pampasaherong sasakyan. Maraming rebulto sa aming bahay at kung saan may naghihimalang inaaniban daw ni Hesus, ni Niño, ni Mary at iba pa. ay nagpupunta kami. Palagi rin siyang sumasangguni sa mga albularyo at mangtatawas. Ngunit , sa kabila ng kanyang pagiging relihiyosa, siya ay puno ng bisyo.Umiinom siya ng alak, naninigarilyo, nagsusugal, nagmumura at iba pa.
Nang tinanggap ko si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ng buhay ko noong Oct 4, 1985, ay ibinahagi ko sa aking ina ang katotohanan. Walang atubiling tinanggap din niya si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ng kanyang buhay. Nabago ang buhay niya. Naalis ang mga bisyo at masamang gawi. Nagsimula siyang sumamba at maglingkod sa Tunay na Diyos sa espiritu at katotohanan (Juan 4.24). Sa iisang Diyos na binubuo ng Ama , Anak at Banal na Espiritu. Dito na siya nagsimulang magbasa ng Bibliya at manalangin sa tunay na Diyos araw-araw . Palaging siyang nagdadala ng kaluluwa sa paanan ni Hesus. Maraming gumagaling sa panalangin niya. Ang gift of healings o kaloob ng pagpapagaling ay sumasakanya. Nang tawagin kaming magkakapatid ng Diyos sa fulltime ministry ay hindi siya humadlang. Bagkus , masaya siyang makita , na kami ay naglilingkod sa Diyos. Wala siyang tigil ng kapapanalangin para sa amin , sa aming pamilya at mga kamag-anak , sa churches , mga tagapanguna at mga tupa na pinagkatiwala sa amin ng Diyos. Wala rin siyang tigil ng pananalangin para sa lahat ng tao na nangangailangan ng kaligtasan at tulong ng Diyos.
Mami-miss namin at ng marami , ang aming ina. Nawalan kami ng great intercessor at encourager. Ngunit , tiyak na mas masaya siya ngayon sa piling ng Diyos. Mas pinili ng Diyos na makasama na ngayon ang aking ina sa piling niya sa langit, dahil ang aking ina ay "KINALUGDAN NG DIYOS at NABUHAY KASAMA ANG DIYOS."

Wala man ngayon ang aming ina sa aming piling , ang alaala niya ay mananatili sa amin at sa mga taong nahipo niya at napagpala ang buhay dahil sa kanya. Hindi siya mabibigo sa kanyang mga pangarap sa amin para sa Diyos. Mas lalo naming pagbubutihin ang paglilingkod sa Diyos. Mas lalo naming gagampanan ang tungkuling iniatang sa amin ng Diyos. Mas lalo kaming magdadala ng kaluluwa sa paanan ni Kristo ng higit kaysa dati, sa abot ng aming makakaya. Nawala man ang aming great intercessor at encourager dito sa lupa , ay nananatili pa rin ang aming "Greatest Intercessor & Encourager of all time", walang iba kung hindi ang ating Panginoon Hesus. Siya ang nagbigay sa amin ng buhay na walang hanggan (1Juan 5.13) ; ang pumili sa amin bilang mga tunay na Lingkod ng Diyos ; ang nagbigay ng Dakilang Pribelihiyo na Siya ay paglingkuran at gawin ang Kanyang kalooban. Ang Dakilang Bagay na sinimulan ng Diyos sa aming buhay ay tatapusin niya hanggang wakas (Filipios 1:6) . Tutuparin Niya ang lahat ng ipinangako niya sa amin higit pa sa aming iniisip at inaasahan.
Sa Diyos ang lahat ng - Pasasalamat, Kapurihan at Karangalan ...
magpakailan-kailan pa man...

Sa Pangalan ni Hesus , Amen!


Efeso 3.20
"Ngayon, sa kanya na makagagawa ng higit sa lahat ng ating hinihiling o iniisip, ayon sa kanyang kapangyarihang gumagawa sa atin."

1 Corinto 2.9
"...Hindi pa nakikita ng mata ni naririnig ng tainga, hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao, ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya."

Sunday, July 6, 2008

Overflowing Unlimited Blessings of God (English)

Genesis 42:1-2

When Jacob learned that there was grain in Egypt , he said to his sons , "Why do you just keep looking at each other?" He continued , "I have heard that there is grain in Egypt. Go down there and buy some for us , so that we may live and not die."


There was worldwide famine in Jacob's time. He learned that there was food in Egypt , thus he instructed his sons to go there and buy some food. Jacob's only purpose was to buy food so that he and his family will survive. But God has other plans. God in His faithfulness to His promise wills that Jacob and his family will go to Egypt and experience for themselves the abundance of the land. It is not only that they will have food to eat to survive but to experience the "overflowing unlimited blessings" that God has promised. And so they did!

In the same manner , God wills for us not only to barely survive the 'everyday of our lives' but to experience the "overflowing unlimited blessings" that He has promised . God wills for us to be blessed! God wills for us to be healed! God wills for us to experience great miracles!

And so , let us enjoy "the best of the land"!

Make Jesus the Lord and Savior of your life.Repent from your sins and renounce them,surrender your life to Him.
Obey His commands and serve Him. Help and support the true ministry in saving and blessing the world and bringing them to their High Calling and Destiny in Christ.

Genesis 45.16-18
When the news reached Pharaoh's palace that Joseph's brothers had come, Pharaoh and his officials were pleased. Pharaoh said to Joseph,"Tell your brothers,'Do this: Load your animals and return to the land of Canaan, and bring your father and your families back to me. I will give you the Best of the land of Egypt and you can enjoy the fat of the land.

Isaias 1.19

"If you are willing and obedient, you will eat the best of the land".

For your prayers and counselling contact us at:

Cell phone no. +63916-3062746

Email add. :rdcarillo@yahoo.com



*This message was preached by the Man of God on June 29, 2008, 15th year anniversary of our Radio Program "Thus Saith the Lord".

Wednesday, July 2, 2008

Caleb (Tagalog)

Deutronomy 1.35-36

"Isa man sa inyo ay hindi makararating sa lupaing aking ipinangako sa inyong mga magulang, maliban kay Caleb na anak ni Jefone. Siya lamang ang makakapasok doon. Ibibigay ko sa kanya at sa kanyang magiging lahi ang lupaing maaabot niya sapagkat lubusan siyang sumunod sa akin".

Ang lugar ng Canaan ay lugar na kung saan , ang pulot at gatas ay umaapaw. Ang ibig sabihin nito ay , nag- uumapaw ang kasaganaan sa lupaing iyon . Ito din ang nais ng Diyos para sa atin. Ang maranasan natin ang walang tigil at nag-uumapaw na kasaganaan at pagpapala sa ating buhay. Ang mga taong hindi naniwala kay Caleb , na kaya nilang sakupin ang lugar ng Canaan, ay nangamatay habang nasa daan patungo sa lupang Canaan. Hindi na sana umabot pa ng 40 taon ang kanilang paglalakbay patungo sa lugar na iyon, bagkus , sa loob lamang ng 11 araw , ay kaya nilang pasukin ang lugar. Ngunit , dahil sa, pinaniwalaan nila ang ibinalita ng sampung tiktik , na may mga higante at kalaban sa lugar na iyon at hindi nila kayang sakupin ang lupain , sila ay pinanghinaan ng loob , natakot at nawalan ng pananampalataya. Nangamatay sila habang nasa daan at hindi nila nakita ang lupang pangako.Ngunit , si Caleb , dahil sa pagsunod at paniniwala sa pangako ng Diyos , ay ibinigay sa kanya at sa kanyang lahi ang lupain. Narating nila ang "Lupang Pangako". Natamo nila ang lahat ng ipinangako sa kanila. Naranasan nila ang kasaganaan at pagpapala. Nakamit nila ang tagumpay.

Ang bagong henerasyon ng mga Israelita ang nakatanggap ng pangako ng Panginoon. Sila ang mga taong hindi nagduda sa pangako ng Diyos . Sila ang mga taong may pusong handang sumunod sa Diyos. Ngunit , ang masaklap , hindi lahat ay nakaranas nito. Ganoon din sa ating buhay. Ang pangako ng Diyos ay matutupad o mangyayari lamang kung tayo ay susunod sa Diyos.

Kapag sinabi ng Diyos , sinabi ng Diyos! Mapapanaligan ang Kanyang Salita . Atin itong paniwalaan at sundin. Huwag tayong maniwala sa mga taong nagsasabing hindi natin magagawa ang pinapagawa sa atin ng Diyos . Sa tulong ng Panginoon , hayaan natin na Siya ang kumilos para sa atin. Kailangan nating alisin ang ating pagdududa at kawalan ng pananampalataya. Ating tandaan , ang sanhi ng “delayed blessing” ay “delayed obedience”. At nais kong ipaalala muli ang prophecy – “ ang taong ito ay taon ng overflowing and unlimited blessings , promotion at favor of God !”

Huwag tayong pumayag na hindi natin ito maranasan!

Tuesday, July 1, 2008

Overflowing Unlimited Blessing of God (Tagalog)

Genesis 42.1

Nalaman ni Jacob na may trigo sa Egipto. Kaya sinabi niya sa mga anak niyang lalaki, "Bakit nagtitinginan na lang kayo sa isa't isa?" Nabalitaan kong may trigo sa Egipto. Bumaba kayo roon para bumili ng trigo para hindi tayo mamatay sa gutom."

Ang nais lang sana ni Jacob ay bumili ng trigo para may makain ang kanyang pamilya. Ngunit hindi lang iyon ang nais ng Panginoon para sa kanila dahil may pangako ang Panginoon kay Jacob at ito ay kanyang tutuparin - ang "unlimited overflowing blessing" . Kaya't hindi lang trigo ang ibinigay kay Jacob kundi pati na ang pinakamabuting bahagi ng lupain sa Egipto. Ang nais ng Panghinoon ay hindi lamang pansamantalang pagkain o pantawid gutom sa nararanasan nilang taggutom kundi ang maranasan nila ang tuloy tuloy na katugunan sa kanilang pangangailangan. At tunay nga , naranasan ng buong sambahayan ni Jacob ang nag -uumapaw na pagpapala.

At iyan din ang nais ng Panginoon sa atin. Na maranasan natin ang "unlimited overflowing blessing." Sapagkat ang Diyos ni Jacob at ang Diyos natin ngayon ay hindi nagbabago. Ang pagpapala ay para sa atin! Ang himala ay para sa atin! Ang kagalingan ay para sa atin ! Ang unlimited overflowing blessing na pangako ng Diyos ay para sa atin!

Ating i -enjoy ang "the best of the land"!


Genesis 45.16-18
Nang umabot sa palasyo ang balitang dumating ang mga kapatid ni Jose, nasiyahan ang Faraon at lahat ng pinuno niya. Sinabi niya kay Jose,"Sabihin mo sa mga kapatid mo,'Gawin nila ito: Kargahan ninyo ang inyong mga hayop at magbalik sa Canaan. Dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong sambahayan at magbalik kayo sa akin. Ibibigay ko sa inyo ang pinakamabuting lupain sa Egipto. Masisiyahan kayo sa matabang lupain dito".

Isaias 1.19
"Kung handa kayo at magiging masunurin, kakanin ninyo ang pinakamabuti sa lupain."





*Ito ang pinakabuod ng mensaheng ipinangaral ng Lingkod ng Diyos noong June 29, 2008 sa pagdiriwang ng ika - 15th taong anibersaryo ng radio program - "Ito ang Sabi ng Panginoon".