Nalaman ni Jacob na may trigo sa Egipto. Kaya sinabi niya sa mga anak niyang lalaki, "Bakit nagtitinginan na lang kayo sa isa't isa?" Nabalitaan kong may trigo sa Egipto. Bumaba kayo roon para bumili ng trigo para hindi tayo mamatay sa gutom."
Ang nais lang sana ni Jacob ay bumili ng trigo para may makain ang kanyang pamilya. Ngunit hindi lang iyon ang nais ng Panginoon para sa kanila dahil may pangako ang Panginoon kay Jacob at ito ay kanyang tutuparin - ang "unlimited overflowing blessing" . Kaya't hindi lang trigo ang ibinigay kay Jacob kundi pati na ang pinakamabuting bahagi ng lupain sa Egipto. Ang nais ng Panghinoon ay hindi lamang pansamantalang pagkain o pantawid gutom sa nararanasan nilang taggutom kundi ang maranasan nila ang tuloy tuloy na katugunan sa kanilang pangangailangan. At tunay nga , naranasan ng buong sambahayan ni Jacob ang nag -uumapaw na pagpapala.
At iyan din ang nais ng Panginoon sa atin. Na maranasan natin ang "unlimited overflowing blessing." Sapagkat ang Diyos ni Jacob at ang Diyos natin ngayon ay hindi nagbabago. Ang pagpapala ay para sa atin! Ang himala ay para sa atin! Ang kagalingan ay para sa atin ! Ang unlimited overflowing blessing na pangako ng Diyos ay para sa atin!
Ating i -enjoy ang "the best of the land"!
Genesis 45.16-18
Nang umabot sa palasyo ang balitang dumating ang mga kapatid ni Jose, nasiyahan ang Faraon at lahat ng pinuno niya. Sinabi niya kay Jose,"Sabihin mo sa mga kapatid mo,'Gawin nila ito: Kargahan ninyo ang inyong mga hayop at magbalik sa Canaan. Dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong sambahayan at magbalik kayo sa akin. Ibibigay ko sa inyo ang pinakamabuting lupain sa Egipto. Masisiyahan kayo sa matabang lupain dito".
Isaias 1.19
"Kung handa kayo at magiging masunurin, kakanin ninyo ang pinakamabuti sa lupain."
*Ito ang pinakabuod ng mensaheng ipinangaral ng Lingkod ng Diyos noong June 29, 2008 sa pagdiriwang ng ika - 15th taong anibersaryo ng radio program - "Ito ang Sabi ng Panginoon".