Deutronomy 1.35-36
"Isa man sa inyo ay hindi makararating sa lupaing aking ipinangako sa inyong mga magulang, maliban kay Caleb na anak ni Jefone. Siya lamang ang makakapasok doon. Ibibigay ko sa kanya at sa kanyang magiging lahi ang lupaing maaabot niya sapagkat lubusan siyang sumunod sa akin".
Ang lugar ng Canaan ay lugar na kung saan , ang pulot at gatas ay umaapaw. Ang ibig sabihin nito ay , nag- uumapaw ang kasaganaan sa lupaing iyon . Ito din ang nais ng Diyos para sa atin. Ang maranasan natin ang walang tigil at nag-uumapaw na kasaganaan at pagpapala sa ating buhay. Ang mga taong hindi naniwala kay Caleb , na kaya nilang sakupin ang lugar ng Canaan, ay nangamatay habang nasa daan patungo sa lupang Canaan. Hindi na sana umabot pa ng 40 taon ang kanilang paglalakbay patungo sa lugar na iyon, bagkus , sa loob lamang ng 11 araw , ay kaya nilang pasukin ang lugar. Ngunit , dahil sa, pinaniwalaan nila ang ibinalita ng sampung tiktik , na may mga higante at kalaban sa lugar na iyon at hindi nila kayang sakupin ang lupain , sila ay pinanghinaan ng loob , natakot at nawalan ng pananampalataya. Nangamatay sila habang nasa daan at hindi nila nakita ang lupang pangako.Ngunit , si Caleb , dahil sa pagsunod at paniniwala sa pangako ng Diyos , ay ibinigay sa kanya at sa kanyang lahi ang lupain. Narating nila ang "Lupang Pangako". Natamo nila ang lahat ng ipinangako sa kanila. Naranasan nila ang kasaganaan at pagpapala. Nakamit nila ang tagumpay.
Ang bagong henerasyon ng mga Israelita ang nakatanggap ng pangako ng Panginoon. Sila ang mga taong hindi nagduda sa pangako ng Diyos . Sila ang mga taong may pusong handang sumunod sa Diyos. Ngunit , ang masaklap , hindi lahat ay nakaranas nito. Ganoon din sa ating buhay. Ang pangako ng Diyos ay matutupad o mangyayari lamang kung tayo ay susunod sa Diyos.
Kapag sinabi ng Diyos , sinabi ng Diyos! Mapapanaligan ang Kanyang Salita . Atin itong paniwalaan at sundin. Huwag tayong maniwala sa mga taong nagsasabing hindi natin magagawa ang pinapagawa sa atin ng Diyos . Sa tulong ng Panginoon , hayaan natin na Siya ang kumilos para sa atin. Kailangan nating alisin ang ating pagdududa at kawalan ng pananampalataya. Ating tandaan , ang sanhi ng “delayed blessing” ay “delayed obedience”. At nais kong ipaalala muli ang prophecy – “ ang taong ito ay taon ng overflowing and unlimited blessings , promotion at favor of God !”
Huwag tayong pumayag na hindi natin ito maranasan!